Dipictib Service & Cherry Mobile W200 Wilfone

Image

U Yeh! Lahat ngaun naka Touch-Screen na at medyo nag rerestart at naghahang na ang aking Nokia C200. Hmmm… Mabuti pa din ang mga nagtatrabaho sa mga Factory at mga Commercial Zones naka Samsung Galaxy at yung iba naka iPhone (Huwaw Yaman! makapag apply nga din sa kanila). Nakakaingit din ang kapatid ko na naglalaro ng “Hill Climb Racing” na tipong pag na deds ka ulit ka uli sa simula kahit napakalayo mo na. Hay…. kailangan ko na nang bagong cellphone.

Aba akalain mong may suswak sa pera kong kakarampot! Salamat WILLY este Cherry at may mura kayong phone na touch screen! Ayus! Walang patumpik-tumpik at binili ko mula sa kakarampot kong sahod ang Cherry Wilfone na ito. Panalo. Aba game time, download ng Hill Climb, Facebook, at atbp. After 3 apps… Voila! di na kaya ng internal yung mga app nyaha! walang kwenta ang added 4gb kong memory dahil sinisave ng phone partially ang ibang kailangan ng app para tumakbo sa Phone Memory.. hehehe hanggang 3-4 apps lang pala ako dipende sa laki.

Ayos lang! Hill Climb at Facebook mapagtitiisan na…So eto ako palagay ng screen protector, bili ng case agad… OC lang..Ayus ang puge!

After 5 months kaboom! May tumatawag na company na inaplayan ko… Shiet! Di ko narinig! Di nag riring ang phone! Aba dali-dali kong tinignan ang settings. Ayos lahat. Pinisil ko ng kaunti ang likod ng phone at nagtry ako mag play ng sounds… Aba tumunog! Maluwag lang pala ang speaker! Di bale punta tayo sa Cherry Mobile. Ayaw ko naman bumili ng bagong phone nanaman. Sayang naman tong AMAZING PHONE na ito. Hmmm… san ba may malapit na cherry mobile service center sa kinalalagyan ko ngaun… *Light Bulb… AHA! Sa SM Dasmariñas! Parang kidlat akong umalis papuntang SM para mapagawa ang malupet kong phone. Pagdating ko doon kinausap ko ang isang Sales Lady sa Cherry Mobile sa Taas. “Ay Sir doon po sa kabilang side ang puntahan nyo. Sales lang po dito” sabi ng cute na cute na sales lady. “Ok Thanks Ate” sabi ko at dali-dali kong hinanap ang malupet na service center ng Cherry Mobile. Atlast! Eto na cya! Walang tao! So punta agad ako sa may customer service. Bago pa ako makapag salita may tumayo sa likod ko at nagtanong nang kung kung ano-anong kabulshitan. Hindi nya ba nakitang nakaupo na ako sa harap ng Service Rep? Eto namang si Service Rep hindi man lang sinabing ako muna at nauna ako. Thunders now a days oh bastos din wala man lang excuse… ay Palagi nga pala silang excuse sorry. So after masabi ang mga kabulshitan na walang ka kwenta-kwenta nakausap din ako.

AKO: “Miss may problema yung phone ko. Nawawala kase yung sounds. Pag pinisil mo yung back casing bumabalik. Lumuwag yung speaker eh. Paayos naman.”

Cherry M.: “Pa tingin nga po Sir” (sipat… silip… etc.) Sir Warranty pa ho ba ito?

Ako: “Ay oo. wala pang 1 year yan. Eto ang box at resibo”

Cherry M.: “Sir binuksan nyo na po ba ito?”

Ako:“Hindi pa, pero bubuksan ko sana kaso nung inanscrew ko eh di cya agad natanggal. Naka clip ata yung casing so hindi ko na pinakealaman kase baka masira”

Cherry M.: ” Ay Sir Void na po ang warranty nyo.”

Ako: “Huh? Bakit? Eh hindi ko naman nabuksan eh. Na unscrew ko lang tapos binalik ko uli (stupid me). Makikita nyo naman kung nabuksan o hindi sa pagtingin sa gilid kung may pingkot o kung ano man. Service Center kayo eh malupet kayo.”

Cherry M.: “Ay di po kase talaga pwede sir eh Void po talaga yung Warranty nyo kase wala napo yung sticker sa turnilyo.”

Ako:”(PUT&$%^$^ !!!Gundemet! bat kase sa turnilyo inilagay yung sticker at hindi sa sides na nagduduktong ng case at housing kung yun ba nag tawag nila. or lagyan man lng ng sticker din yung sides para kung nawal yung sa turnilyo kita nilang di pa nadismantlle talaga. Sayang laway dito sige.) OK ATE. MAGKANO.

Cherry M.: “Ay Sir bale 150 po sa speaker at ….”

Ako: “Ano! 150 sa speaker?!!! Ano yan papalitan yung speaker?!!!! Eh hindi naman sira ang speaker ah. Maluwag lang. At pano mo nalaman na speaker ang sira?”

Cherry M.:” Ganun po talaga Sir”

Ako:Ah so kung may issue sa speaker palit agad ganon!

Cherry M.:“Yes sir.”

Ako:” (Packing Tape!!! Palit agad speaker ni hind pa na check! Hay… muuuuzzaaaaaa…) Ok. Ok. Sige ipapagawa ko na iyan kesa maging PAPER WEIGHT lang. Tutal 150  lang naman at kung ano pang SERVICE FEE (PAKSHIET) malamang mura na rin yun (malelate nako sa sine). Irereset ko lang wait… Gaano katagal to gagawin kase manood pa ako ng sine?”

Cherry M.: “Ay Sir inform ko lang kayo na hindi po ito dito gagawin. Dadalhin pa po iyan sa may Main namin sa may Roxas Blvd.”

Ako:” (HUUWWAAAATTT!!!!) Ano?!!! Sa Roxas Blvd pa? Eh anong ginagawa ng mga tao dyan sa likod nyo? Display?”

Cherry M.: “Ay dun po kase talaga binubuksan yung mga phone”

Ako:” (Panalo. Ang laki ng space pero eto ang service na makukuha mo) Aaaaahhhh….. OK. Oh eh kung ganun anong gagamitin ko na phone? On call kase ako eh so pano yan? Eh di bibili ako ng bago pansamantala?????????????????????

Cherry M.:“……………. ….. …..    …………………….    ……………………   … .. . … … ..”

Ako: ” Akin na yan. Wag nalang. Thank you miss ha. Non-sense eh. Kaya ako pumunta dito kase ayaw ko bumili ng isang phone. Dun nalang ako sa kabila magpapagawa.”……………………….

SINE TANGGAL STRESS TIME WUUUHOOO!!!!!

Tapos bili ng bagong phone… HINDI CHERRY MOBILE

……………………..

Got a new phone….. Wilfone? Pang TV malabo hehehehehe.

Cherry Mobile Service sa Province = PANALO!……. NOT!

 

PHILIPPINE SERVICE CENTERS…. U YEH!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s